TRO sa kampanya vs billboards paso na

TAPOS na umano ang bisa ng Temporary Restraining Order na inisyu ng korte laban sa kampanya ng Metro Manila Development Authority sa mga iligal na billboards.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Emerson Carlos, napaso na ang TRO ng Makati Regional Trial Court Branch 133 judge Elpidio Calis noon pang Oktubre 1.

Nag-inhibit naman ang nasabing hukom sa kaso, kung saan itoy ni-raffle na at dinidinig ni Judge Rommel Baybay ng Makati RTC Branch 132.

Hindi naman makasagot ng pinal si Carlos kung itutuloy ng MMDA ang kampanya laban sa mga sobrang laki at iligal na billboards na nakapaskil sa mga pangunahing kalsada katulad ng EDSA.

Nauna nang sinabihan ng korte ang MMDA na maghain na ng mga ebidensya sa Nobyembre 25 at Disyembre 9 bago maglabas ang korte ng bagong resolusyon kung mag-iisyu o hindi ng isa pang TRO sa nabanggit na usapin.

Maaari pa rin umanong gumawa ng legal na hakbang ang Outdoor Advertisers Association of the Philippines upang harangin ang anumang hakbang ng MMDA na ipagpatuloy ang kampanya nito laban sa mga iligal na billboards.

Sa unang pagsampa ng kaso, iginiit ng OAAP na binalewala ng MMDA ang karapatan ng bawat corporate members nito nang baklasin ng MMDA ang mga advertising materials sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply