TRO sa watchlist order vs GMA nananatili– SC

IBINASURA na ngayon ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ng Office of Solicitor General (OSG) na kumukwestiyon sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte sa watchlist order (WLO) ng Department of Justice (DOJ) laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay SC Court Administrator Justice Midas Marquez, nanatili ang walong botong pumabor at limang kontra sa TRO sa isinagawang special en banc session ngayong araw.

Sa ipinalabas na show cause order ng Korte Suprema ay pinagpapaliwanag din si Justice Secretary Leila de Lima sa loob ng sampung araw kung bakit hindi siya dapat ma-contempt matapos suwayin ang desisyon ng Korte Suprema.

Ipinaliwanag rin ni Marquez na ang TRO sa watchist order ay walang kinalaman sa kasong electoral sabotage na isinampa ng Commission on Elections (Comelec) ngayong tanghali laban kay Gng. Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply