Tropang Texters sasagpangin ng Tigers

MATAPOS sipain ng Powerade Tigers sa kontensyon ang kulelat na Shopinas.Com Clickers ay nakatakda naman itong harapin ang nangunguna sa team standings na Talk ‘N Text Tropang Texters sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Big Dome bukas (Nobyembre 27).

Nakaangkla sa Tigers ang 4-7 win-loss slate matapos nilang patalsikin at ipalasap ang nakakahiyang 0-12 record sa Clickers, 102-84, kagabi (Nobyembre 25).

Bitbit naman ng Tropang Texters ang 8-1 karta matapos maghulma ng anim na sunod na panalo para masolo ang liderato.

Mag-uumpisa ang banggaan ng Powerade at TNT sa alas-4:15 ng hapon at pagkatapos ay ang Rain or Shine Elasto Painters at Barako Bull Energy ang magiging bida naman sa court sa alas-6:30 ng gabi.

Galing sa masaklap na pagkatalo ang Elasto Painters kontra B-Meg Llamados, 100-102, kagabi rin. Lamang ang Elasto painters,100-99, may 1:30 sa laro sa basket ni Beau Belga.

Nakanakaw pa si Belga sa sumunod na play subalit sablay naman sa kanyang all-the-way layup kaya naangatan sila ni Llamados guard/forward PJ Simon sa three-point arc sa left corner mula sa assist ni rookie Mark Barroca.

May pagkakataon sanang manalo pa ang RoS subalit sinablay ni Paul Lee ang kanyang binatong triple may 5.7 segundong nalalabi sa final canto.

Kasalo ng RoS ang B-Meg at Meralco Bolts sa 3rd to fifth spot na may 7-4 panalo-talo karta habang nasa pang-anim na puwesto ang Energy tangan ang 5-5 record. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply