Truck helper hinataw sa ulo, dedo

NASAWI ang isang truck helper makaraang paluin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Payatas-B, Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni chief Inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection (QCPD-CIDU) ang biktima na si Alfre Armenta, 24, binata, tubong Zamboanga Sibugay at residente ng Empire Hilltop, Barangay Payatas-B, QC.

Si Armenta ay nasawi noon din dahil sa tinamong malalim na sugat sa ulo matapos paluin ng hindi pa mabatid na bagay.

Ayon sa ulat ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong 12:40 ng madaling araw sa harap ng Empire St., corner Payatas Road,QC.

Sinabi sa ulat ni PO2 Rommel Mayo, natagpuan ng isang Reanlyn de Cano ang duguang bangkay ni Armenta at kanya itong ipinabatid sa kapatid ng biktima.

Sa pahayag ng ilang kaanak ng biktima, bago ang insidente nitong nakalipas na buwan ay pinagbantaan umano ang biktima ng ilang grupo ng mga kalalakihan na tambay sa kanilang lugar.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up operation ang mga awtoridad para makilala ang mga may kinalaman sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply