Truth in advertising

PALAKPAKAN ang mga taga gobyerno sa kanilang slogan na all-out justice na naimbento ng kanilang tourism secretary na si Ramon Jimenez.

Agad ipinagyabang ni Ramon Carandang, secretary of communications ng Palasyo, na ang slogan na all-out justice ay sagot nila sa all-out war laban sa mga rebelde ng Mindanao.

Hindi pala galling kay PNoy ang katagang iyan. Hindi pala slogan ito na nagmula sa isipan ng ating President Noynoy Aquino kung hindi sa isang advertising man na ngayon ay tourism secretary na.

Sampalataya rin si Carandang kay Jimenez. Sa husay ni Jimenez sa pag-imbento ng mga slogan, dapat siguro ay tanggalin na si Carandang.

Baka sayang lang ang ipinasusuweldo natin kay Ricky, eh, mas mahusay pala si Ramon.

Pero usisain natin ang katagang all-out justice.

Itong idea na ito ni Jimenez na ngayon ay attributed na kay PNoy ay tungkol lamang sa mga sundalo nating pinugutan ng ulo at iba pang bahagi ng katawan at pinagpapatay sa Mindanao.

Walang all-out justice outside of Mindanao. Walang all-out justice sa Visayas at sa Luzon.

At kung susuriin pa uli natin ang katagang ito, ang all-out justice ay walang ibig sabihin.

Ni walang logic. Ni kahit sino.

Si Jimenez ay isang advertising man.

Maraming advertising men na mahilig mag-coin ng mga salita na wala namang ibig sabihin.

Yan ang dahilan kung bakit may batas laban sa truth in advertising.

Marami kasi noon, at siguro ay hanggang ngayon, ay puro lies in advertising ang kanilang ginagawa.

Sa kanila, maski na bulok ang produkto ay bibilhin pa rin ng mamamayan dahil sa kanilang mga print and TV commercials.

Truth decay ang kanilang ginagawa.

Katulad ng salitang wangwang. Bawal na raw ang utak wangwang sa gobyerno. Ano ba ang utak wangwang?

Sabi ni PNoy (alias Jimenez?) ang utak wangwang ay ang mga magnanakaw sa gobyerno.

Siguro ay dapat din natin tanungin si Pakito Ochoa kung ano ang ibig sabihin ng utak wangwang. Siya ang executive secretary.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply