Tsismis na asylum galing daw sa kampo ni PNoy

KAGAGAWAN ng kampo ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pagkalat ng balitang humihingi ng political asylum si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Dominican Republic, ito ang pahayag ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Ayon sa abogado ni dating FG na si Atty. Ferdinand Topacio, handa ang mag-asawang Arroyo na harapin ang mga ibinibintang sa kanila.

Gayunman, kinumpirma ni Topacio na pinarangalan nga si Mrs. Arroyo ng Dominican Republic.

Wala umanong balak manirahan doon ang dating Pangulo at hindi rin umano ito humingi ng political asylum o nagpagawa ng bagong passport at lalong wala sa kanilang itinerary ang nasabing bansa. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply