Tubig sa Magat dam, nasa critical level na

NASA kritikal level na ang water elevation ng Magat dam sa Ramon, Isabela bunsod ng mga pag-ulan sa mga watershed areas sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

Ayon kay Mr. Dario Aquino ng Magat Forecast Division, patuloy ang kanilang pagpapalabas ng tubig matapos umabot sa spilling level ang water elevation ng dam.

Nabatid na bandang alas-6:00 ng umaga, tumaas ang tubig ng Magat dam sa 193.09 meters.

Ang inflow o pumapasok na tubig ay 361 cubic meters per second, habang ang outflow o ipinapalabas na tubig ay nasa 456 cubic meters per second at isang floodgate ang nakabukas na may taas na two meters.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply