Tunay na kapayapaan nga ba ang hangad nila?

HANGAD nga ba ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan kaya kahit ano ay ginagawa ng gobyernong Aquino para lang makamit ang hangaring magkaroon ng kapayapaan sa bansa?

Inihayag ni Executive Sec. Jojo Ochoa na naka-handa ang gobyerno na tuparin ang pakikipagsundo para sa kapayapaan sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) at ipagkaloob ang halagang nakalaan para sa rebeldeng grupo.

Balak ng gobyernong Aquino na bigyan ng P31M ang rebeldeng grupo at magmumula sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA).

Sinabi pa ng kalihim na nakapangako ang Pangulo sa ilang beses na pakikipag-usap sa mga rebeldeng grupo at hindi kailan man tatalikuran ng gobyerno ang pagnanais na makamit ang tunay makatwiran at pangmatagalang kapayapaan.

Ani Ochoa, sinunod lang nila ang kasunduan na nilagdaan ni dating Pang. Joseph Estrada na popondohan ang iba’t ibang proyekto na para sa reintegrasyon at kaunlaran.

Kabilang sa mga ito ang proyektong pangkabuhayan, tulong sa pabahay, edukasyon at pagsasanay at pangangalaga sa kalusugan.

I.N.T.  bagsaka sa PCP block

Hindi pa man nag-iinit ang ‘wetpu’ ni MPD PS1 Commander Supt. Ricardo Tumalas… esteTumalad sa kinauupuan nito ay patuloy nang dumaragsa ang lingguhang I.N.T. (intelihensiya) na ibinibigay ng mga gambling lord.

Ang siste pa ay ibinabagsak ang intelihensiya ng mga GL sa mga ‘engkargadong’ sina PO3 Duran at isang alyas  Oyabak sa PCP Block na lalong kilala sa tawag na Compact sa E. Rodrigues St. cor Honorio Lopez, Balut, Tondo, Manila.

May karugtong pa ito, pramis!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply