Tunnel patungong bilangguan nadiskubre

ISANG 200-metrong tunnel ang nadiskubre ng Bureau of Jail Management and Penology Region 10 patungo sa Lumbia City Jail sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay BJMP-10 Assistant Regional Director Clint Russel Tangeres, ang naturang tunnel ay patungo sa selda ng Batang Mindanao kung saan nakakulong ang ilang dating mga pulis na nabilanggo dahil sa iba’t ibang kaso.

Nagpapasalamat umano ang pamunuan ng BJMP sa pagkakadiskubre sa naturang tunnel dahil napigilan nila ang malamang na malaking jail break.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng BJMP kung sino ang naghukay sa naturang tunnel para papanagutin sa batas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply