Turismo sisigla sa pagpasok ng PPUR sa New 7 Wonders of Nature

MALAKI ang kinabukasan ng industriya ng turismo sa bansa dahil sa pagkakabilang ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan sa New 7 Wonders of Nature.

Sa provisional result ng botohan, napabilang ang PPUR sa New 7 Wonders of Nature na kinabibilangan din ng Amazon, Halong Bay, Iguazu Falls, Jeju Island, Komodo at Table Mountain.

Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na bagamat sa susunod na taon pa ihahayag ang pinal na resulta, nakakapagpalakas naman ng loob ang inisyal na resulta lalo pa’t malaki ang iaangat ng turismo sa bansa sa pagkilala sa naturang underground river bilang bagong kasama sa New 7 Wonders of Nature.

“That’s only provisional results. The final results will be announced early 2012. But I do hope that we get in. the initial results are definitely very encouraging,” ani Escudero.

Nauna nang tinukoy ni Sen. Pia Cayetano na nagpapatunay lamang ito na basta’t nagkakaisa ang bawat Filipino ay kayang makamit ang layunin, lalo na’t binansagan pa tayong ‘texting capital’ ng Asya o ng buong mundo.

“This proves how we as people could unite and harness our online and texting power to rally behind one cause,”ani Cayetano.

Idinagdag pa nito na mayaman naman talaga sa likas na yaman ang ating bansa at kailangan lamang dito ay maipasilip ito sa buong mundo upang sa gayon ay mapakinabangan ng ating bansa.

“Yan ang galing at kagandahan ng Pilipinas! Mabuhay ang Pilipinas,” ayon naman kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply