Turista sa Puerto Princesa City dumarami

LALONG dumarami ang mga turistang nagtutungo sa Puerto Princesa City mula nang lumahok ang kanilang Underground River sa contest na: “New 7 Wonders of Nature.”

Ipinahayag  ni City Mayor Edward Hagedorn na mula sa dating 160,000 turista kada taon na nagtutungo sa kanilang lugar, uamkyat na ito sa 425, 000 turista bawat taon.

Sinabi pa nito na mula sa dating tatlong flight ng eroplano kada araw, ngayon ay 11 flights na ang bumibiyahe sa bawat araw para lamang masaksihan ang kagandahan ng Undergroud River.

Ayon kay Hagedorn, natutuwa sila sa anunsyo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na gagawing prayoridad ang pagpapalaki ng airport sa Puerto Princesa para lalong mapaunlad ang turismo sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply