TV host sobrang manyak…

SOBRA talaga ang kamanyakan ng isang TV host  na dahil pati mga contestant sa kanyang Tv show ay pinagnanasaan at halos hubaran sa pamamagitan ng tingin.

Sa nasaksihan ni matang kuwago sa kanyang panonood sa isang Tv  host sa kilala at sikat na network kitang-kita na halos tumulo ang laway ng naturang Tv celebrity at kahit na apat-apat na ang kanyang paningin ay kitang-kita ang kanyang kalibugan.

Halos hindi sa mata o sa mukha ng contestant nakatingin ang Tv host kundi sa mismong katawan at suot-suot na two piece ng contestant.

Halos tinalo pa nga ng Tv host na ito ang kanyang kasamahang host na hindi naman sobra ang edad at manyak din subalit lantaran naman.

Ang nakapagtataka lang tila kinukunsinti ng management ng network ang naturang pag-uugali ng TV host at tila nagbubulag-bulagan ang Movie Television Review  Classification Board (MTRCB) sa inaasal ng naturang Tv host.

Tuloy lumalabas na mayroon talagang sadyang isang taong tinututukan lamang ang MTRCB na magkamali na host kesa ang pagmasadan at panorin ang iba pang show ang malupit talagang obvious na mayroong namumulitika sa MTRCB.

Hindi tuloy natin alam kung alam ito ni Pnoy na pag-uugali ng kanyang mga tauhan at lagad na namumulitika akala ko nga tapos na ang pulitika at tila mayroon pang buhay sa kanyang mga alagad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply