Typhoid fever umaatake sa Cagayan

ILANG residente ngayon ang nagpositibo sa typhoid fever bukod pa sa mga kaso ng diarrhea at amoebiasis sa Cagayan dahil umano sa maruming tubig.

Sa kasalukuyan ay may 10 kaso ng typhoid fever ang naitatala sa mga bayan ng Gonzaga at Sta. Ana.

Nabatid kay Dr. Jaylord Saniatan ng Department of Health (DOH), posibleng nagmula rin sa maruming pagkain ang naging sanhi ng typhoid fever na ang kalimitang sintomas ay mataas na lagnat at pagtatae.

May 128 na ang kaso ng pagtatae sa lugar at dalawa na ang namatay.

Dahil dito, pinapayo ng DOH na pakuluang maigi ang iinuming tubig, panatilihing malinis ang paligid at ugaliing maghugas ng kamay para maiwasan ang pagkalat ng bacteria.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply