Uhaw na mag-utol na paslit, lumaklak ng gaas

ISINUGOD sa pagamutan ang magkapatid na paslit makaraang laklakin ang gaas na nakalagay sa bote matapos mapagkamalang softdrinks sa Kalibo, Miyerkules ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa Kalibo provincial hospital sanhi ng pagkalason ang magkapatid na sina Ramon Paulo Pastrana, 6-anyos, at Carlo Pastrana, 5-anyos, ng Barangay Estancia sa bayan ng Kalibo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6:30 ng gabi sa mismong bahay ng magkapatid.

Bago ito, nabatid na kumakain ng tsitserya ang magkapatid at nang maubos at mauhaw ay naghanap ng maiinom.

Tiyempo namang naispatan ng magkapatid ang isang bote ng softdrinks na nakapatong sa mesa kaya agad itong dinampot at tinungga ng isa sa kanila bago ang natira ay inubos naman ng isa pa.

Pero maya-maya lamang ay nagsakitan ang tiyan ng magkapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply