Umbra Kato buhay pa — Dr. Abu Hisbillah

BUHAY na buhay pa umano si Umbra Kato ang chairman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ayon mismo sa kanyang attending physician.

Ayon kay Dr. Abu Hisbillah na siyang doktor ni Kato, nawalan lang umano ito ng malay at hindi inatake base sa mga lumalabas na balita.

Sa katunayan umano ay apat na doktor ang nagbabantay sa pinuno ng rebeldeng grupo na humiwalay sa Moro Islamic Liberation Front.

Sa isang eksklusibong hospital na labas sa Mindanao area naka-confine si Kato.

Nabatid na stress si Kato sa pagkikipagkita nito kay MNLF Chairman Nur Misuari sa isang lugar sa Maguindanao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply