Umbra Kato buhay pa

BINIGYAN ngayon ng linaw ni Abu Misri Mama, spokesman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), na buhay pa si Ustadz Ameril Umbra Kato matapos kumalat ang tsismis  patay na  ang kanilang lider.

Ayon kay Mama, totoong nag-collapse si Kato, pero hindi rin naman ito na-stroke.

Bagama’t ngayon ay hindi naman nila itinatanggi na nanghihina na rin ang katawan ngayon ni Kato dahil sa pagkaka-paralisa ng kalahating katawan.

Naglabas din ng sama ng loob si Mama sa ibang mga mamahayag na nagpapalabas na patay na si Kato at hindi muna kinumpirma ang tunay na kalagayan ng kanilang lider.

Binigyang-diin ni Mama na kung sino man ang dapat na unang makaalam sa tunay na kalagayan ng kanilang lider ay sila dahil sila ang nakakasama nito.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang balita hinggil sa tunay na sitwasyon ni Kato. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply