Umbra Kato dedbol sa stroke – Pangadapun

NAMATAY sa stroke kaninang umaga si Ameril Umbra Kato, ang lider ng breakaway Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ayon sa isang Muslim leader sa Maynila.

Sinabi ni Nash Pangadapun, ang Manila-based secretary general ng Maradeka Bangsamoro People’s Alliance, na ang pagkamatay ni Kato ay ipinagbigay-alam ng kanyang kontak sa Maguindanao.

“He had a stroke yesterday and was bed-ridden. Naputukan daw sa ulo (A blood vessel in his head burst).  His officers wanted to bring him to the hospital and wanted to negotiate a safe passage for him for humanitarian reasons.  But the information I got is that he refused and he died this morning,” pahayag ni Pangadapun.

Aniya, si Kato ay namatay sa BIFF’s base sa Camp Omar, na nasa boundary ng Guindulungan, Datu Saudi at Datu Unsay towns sa Maguindanao.

Nanawagan naman si Pangadapun sa military at sa civilian authorities para kumpirmahin ang kanyang  natanggap na impormayson.

“With his death, it is expected that those who joined him in leaving the Moro Islamic Liberation Front will return to the fold and rejoin the peace process,” dagdag pa ni Pangadapun. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply