Umbra Kato kumpirmadong na-stroke

KINUMPIRMA ngayon ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman of political affairs Ghadzali Jaafar na nakaratay sa banig ng karamdaman si Umbra Kato matapos itong ma-stroke.

Ayon kay Jaafar, kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa kampo si Kato makaraang mabaldado ang katawan at hindi makagalaw nang ma-stroke ito noong nakaraang Sabado.

Bilang kapatid sa Islam, nahanda umano si Jaafar na magbigay ng tulong kay Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Kato anumang oras nitong hilingin.

Sinabi pa ni Jaafar na hindi dinala sa ospital si Kato dahil sa pangambang arestuhin ito kaugnay sa 80-kasong kinakaharap sa gobyerno.

Tanging isang doctor ang nagbabantay kay Kato at ginagawa ang paraan para manumbalik ang sigla ng pangangatawan nito.

Unang inihayag ni Maj. Gen. Rey Ardo, chief ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, na inatake ng mild stroke si Kato habang naglalakad ito kasama ng kanyang mga tauhan sa bulubunduking bahagi ng Camp Parouk, Maguindanao.

Dahil dito, inalok ni Ardo si Kato na magpagamot sa Camp Siongco Hospital.

Sinabi pa nito na handa ang medical team ng 6th ID na sunduin si Kato at dalhin sa ospital.

Magiging bukas naman umano ang ospital para sa monitoring ng Government Peace Panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ceasefire panel.

Si Kato ang dating base-commander ng MILF 105th command bago ito bumuo ng sariling grupong BIFF.

Dahil sa ginawa nitong pag-atake sa North Cotabato, mayroon itong 80 warrant of arrest at patong sa ulo na P10 milyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply