UN naalarma sa kaguluhan sa Mindanao

LUBHANG naalarma ang United Nations sa lumalalang kalagayan ng may 698,000 residente sa Mindanao na apektado ng armadong tunggalian  na lalo pang pinaghihirap ng mga man made disaster at natural disaster.

Ayon kay United Nations Assistant Secretary General for Humanitarian Affairs and Deputy Emergency Relief Coordinator, Catherine Bragg, “spare people from the effect of Violence.”

Ito ang nakikitang dahilan ng United Nation sa umiiral na cycle of displacement ng libo-libong residente na  paulit-ulit na lumilikas upang makatakas sa epekto ng armed conflict at pinaalala pa ng nagaganap na perennial flooding.

Nabatid na personal na nagtungo sa Western Part ng Mindanao si Bragg upang alamin ang tunay na kalagayan ng mga residente na naapektuhan ng armed conlict sanhi ng idelohiya, lawless elements at awayan sa lupa at maging ng natural disaster.

Ayon pa kay Bragg , bagamat bumaba ang bilang ng mga displace person mula sa kulang na 800,000 noong taong 2008 at inayudahan ng UN ng P1.1 billion sa stadistikang 698, 000 nitong 2011 ay lumaki naman ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply