Undas sa Region 2 inulan; LPA namataan sa VizMin

KAUNTI lamang ang mga pumupunta sa mga sementeryo sa buong Region 2 dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Ayon kay Region 2 Police Chief Supt Rodrigo De Gracia, iilan lamang ang nagpunta sa mga sementeryo dahil na rin sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa ngayon, iniulat ni De Gracia na generally peaceful ang paggunita sa araw ng Undas sa buong Region 2.

Inaasahan naman na dadagsain ang mga sementeryo sa mga susunod na mga araw sakaling tumugil na ang pag-ulan.

Samantala huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 530 km gawing silangan ng Mindanao.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone na makakaapekto sa Visayas at Mindanao.

Dahil dito, ang Kabikulan, Kabisayaan at Mindanao ay makararanas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang kalakhang Maynila ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat- pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 23 hanggang 33 Celsius. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply