Underground River gumagalaw na sa online voting

BUMABAWI na mula sa pagkakulelat sa online voting ang pambato ng Pilipinas na Puerto Princesa Underground River (PPUR) para sa New 7 Wonders of Nature.

Batay sa voting map sa new7wonders.com, bumuhos ang boto para sa Puerto Princesa Undeground River simula ngayong gabi.

Dahil dito, malaki na ang tsansa na mapabilang ang pambato ng mga Pinoy sa tatanghaling New 7 Wonders of Nature, lalo’t mga boto pa lang ito sa website at hindi pa kasama ang text at phone votes.

Napag-alaman na noong nakaraang araw, pasok na sa Top 10 ng may pinakamaraming boto, ang Puerto Princesa Undeground River.

Tatlong araw na lang at 17 oras ang nalalabi bago magtapos ang botohan at iaanunsyo ang kikilalaning New 7 Wonders of Nature sa darating na Biyernes, November 11.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply