Update: 26 na sugatan sa Bukidnon quake

UMABOT na sa 26 katao ang nasaktan nang tamaan ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon kagabi (Lunes, Nobyembre 7).

Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense ngayon, karamihan sa mga nasugatan ay pasyente sa dalawang ospital na nagpanic at lumikas nang maramdaman ang malakas na lindol.

Sinabi ni Office of Civil Defense acting Director Ana Caneda, lubhang naapektuhan ang lungsod ng Valencia at nagkaroon ng mga bitak ang Sanitarium Hospital na naging dahilan ng paglikas ng may 40 pasyente nito.

Nagkaroon rin ng malawakang brownout sa poblasyon dahil sa lindol.

Sa report na isinumite ni Capt. Alejandro Laroza, executive officer ng City Risk Reduction Management Council, ilan sa mga naging biktima ay nanatiling nasa mga pagamutan.

Wala namang naiulat na namatay sa nasabing lindol.

Karamihan umano sa mga nasugatan ay natamaan ng mga nahulog na bagay mula sa mga kabahayan at ilang malalaking building tulad ng canopy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply