Update: 3 estudyante sugatan sa rally sa Ched

TATLONG estudyante na ang nasugatan matapos na balutin ng tensyon ang protesta ng mga ito sa tanggapan ng Commission on Higher Education (Ched) sa Quezon City.

Pawang nagtamo ng mga gasgas at sugat sa braso’t kamay ang mga estudyanteng nasaktan.

Ang protesta ay kaugnay sa pagpapasara ng Ched sa dalawang kurso ng Philippine Maritime Institute (PMI).

Kanina lamang ay nagkabatuhan ang mga nagpoprotestang estudyante at mga guwardiya ng tanggapan ng komisyon.

Nasira rin ang gate ng opisina ng Ched matapos na yugyugin at kalampagin ng mga raliyista.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply