UPDATE: 3 sundalo todas sa NPA landmine attack

TATLONG sundalo ang namatay matapos sumabog ang itinanim na landmine ng mga New People’s Army (NPA) sa Paquibato District, Davao City kaninang umaga.

Sa ulat ng militar, ipinakiusap na pansamantalang huwag munang ilantad ang pangalan ng mga namatay dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Lt. Col Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID) bandang alas-8:15 ng umaga ng maganap ang pagsabog ng landmine sa Sitio Guinobatan, Brgy. Paquibato, Paquibato District ng lungsod na ito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng patrol operation ang tropa ng 69th Infantry Battalion (IB) mula sa Guinobatan Patrol Base nang biglang sumabog  ang itinanim na bomba ng mga rebeldeng komunista.

Sa lakas ng pagsabog ay napuruhan ang tatlong sundalo na halos nagutay ang katawan sa insidente.

Kinondena naman ni Paniza ang insidente na malinaw na paglabag sa umiiral na Geneva Convention ng Human Rights at International Humanitarian Law na nagbabawal sa paggamit ng landmine sa digmaan.

Isang hot pursuit operation na ang inilunsad ng tropa ng gobyerno laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pag-atake.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply