Update: Arrest warrant naisilbi na; GMA isinailalim sa hospital arrest

NAISILBI na ngayon ang warrant of arrest kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng kasong electoral sabotage na isinampa ng Commission on Elections sa Pasay Regional Trial Court kaninang umaga.

Pasado ala-sais ngayong gabi ng pormal na isilbi kay Gng. Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ang warrant of arrest sa pangunguna ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Alan Purisima.

Sa panayam kay Purisima, sinabi nito na gising si Gng. Arryo nang isilbi ang warrant of arrest at naroon din si dating forst gentleman Mike Arroyo at mga anak nito.

Gayunman, hindi inaresto si Gng. Arroyo at pinayagan na manatili sa pagamutan dahil na rin sa kalagayan ng kalusugan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply