Update: Bangka binangga ng SuperFerry: 1 patay, 6 grabe

ISA ang patay habang anim ang sugatan makaraang banggain ng SuperFerry ang bangkang kinalululalan ng mga biktima sa karagatang sakop ng Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani province kaninang madaling-ara, Nobyembre 18.

Nabatid na nakita ang bangkay ni Jovani Buntong, 60, dating purok chairman ng Malok, Labangal, sa General Santos City na nauna nang napaulat na nawawala.

Habang ang anim na mga sugatan ay nasa mabuti na ang kondisyon na sina Joseph Diones, Bryan Enero, Marjun Kirames, Junito Mendoza, kapitan ng bangka, Regalado Caceller at si Rex Bolawing.

Nasira ang bangka na nagmula sa Gensan habang papuntang dalampasigan makaraang mahagip ng SuperFerry na papaalis ng Sarangani Bay.

Kaagad namang nakaresponde ang mga tauhan ng PNP Maritime na noo‘y nagpapatrolya nang mangyari ang insidente.

Makaraang masagi ng SuperFerry ang naturang Bangka ay dumiretso lamang ito sa kanyang paglalayag sa direksyon palabas ng GenSan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply