Update: Bangketa inararo ng kotse 3 patay, 2 sugatan

PATAY sa malagim na sakuna ang isang magnobyo at isang paslit habang sugatan naman ang dalawa pa matapos na araruhin ng isang humaharurot na kotse ang bangketang tinutulugan ng mga biktima sa Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Chief Insp. Rey Medina, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit–Traffic Sector 1 (QCDTEU–TS1), ang mga biktima na sina Manuel Mameng, 21-anyos, pedicab driver, residente ng 1822 Dapitan St., Sampaloc, Manila; Wendy Paraleja, 2-anyos ng Iba St., Barangay Sta. Teresita, Q.C. at Roan Reyna, 18, tubong Tacloban, Leyte, nobya ni Mameng.

Sugatan naman at isinugod sa United Doctors Medical Center (UDMC) sina Melanie Peraleja, 40 at Rachelle Lumagdang, 27, kapwa nakatira  sa M. Cuenca St., Barangay Sta Teresita, Q.C.

Kusang sumuko naman sa mga traffic enforcer ang driver ng Honda Civic (TLZ– 972) na si Christian Lim at residente ng 174 6th St., Grace Park, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PO1 Leonardo Policarpio, naganap ang insidente dakong 4:30 ng madaling araw sa isang bangketa sa may Welcome Rotonda sa Quezon Avenue.

Ayon sa nakasaksi, tila nagmamadali si Lim at iniwasang mabangga ang isang taksing kanyang kagitgitan kaya nawalan ng kontrol sa manibela at dumiretso sa pedicab na tinutulugan ni Mameng at sa isang nakaparadang kariton na hinihigaan nina Reyna at Paraleja sa naturang bangketa na hinihigaan din ng iba pang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply