Update: P500K sa magngunguso sa bumaril kay Ali Peek

NAG-AL0K ngayon si Talk N’ Text (TNT) basketball team owner Manuel Pangilinan ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormasyon tungkol sa bumaril sa basketbolistang si Albert Henry “Ali” Peek kagabi (lunes, Nobyembre 7) sa Mandaluyong City.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni TNT coach Vincent “Chot” Reyes na “TNT team owner MVP has put up a reward of P500,000.00 for info leading to the arrest of the proponents behind Ali Peek shooting. Will release contact details later.”

Si Peek, na center ng Talk’N’Text Tropang Texters team sa Philippine Basketball Association (PBA), ay binaril at nasugatan dakong alas-7:00 kagabi sa parking lot ng RFM Gym sa Mandaluyong City.

Sa kabutihang palad, nasa mabuting kalagayn na ngayon si Peek pero hiniling ni Reyes, “The Talk N Text family asks d public to respect their privacy at this time. Further details will be released as they become available.”

Nagpalabas na ang pulisya ng catorgraphic sketch ng suspek na bumaril kay Peek.

Gayunman, blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaril.

Inilarawan ang suspek na may taas na 5’5″ to 5’6″, edad na nasa 32-36, may dark-complexion at may katamtaman na pangangatawan.

Sinabi ng testigo na nakasuot ang suspek ng T-shirt at khaki shorts nang barili nito ang basketbolista.

Nakaratay pa rin si Peek sa Medical City at nakatakdang alisin ngayong araw (Nobyembre 8) ang bala sa batok nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply