UPDATE: Pamilya Pempengco pa-Camp Crame na

PATUNGO na sa Camp Crame ang Pinay singing sensation na si Charice kasama ang kanyang mga kaanak, para makita si Angel Capili na suspek sa pagpatay sa kanyang ama na si Ricky Pempengco.

Una rito, kinumpirma ni Laguna provincial police director S/Supt. Gilbert Cruz na hawak na nila si Angel Capili matapos sumuko sa isang kapitan sa General Trias, Cavite.

Si Capili ang sumaksak sa ama ni Charice gamit ang icepick habang bumibili ng sigarilyo sa Brgy. Laram, San Pedro, Laguna.

Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ng assessment ang pulisya sa bibigyan ng P200,000 bilang reward money para sa mabilis na pagkakadakip sa suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply