Update: Perya walang permit, ipinasara ng Valenzuela City Hall

MATAPOS ang malagim na aksidente sa catterpilar ride ng peryahan sa Karuhatan Village kung saan namatay ang isang lalaki at ikinasugat ng 14 na iba pa, ay ipinasara na ito Valenzuela City Hall.

Nabatid na wala ring permit upang makapag-operate ang nasabing perya.

Ayon sa city hall ng Valenzuela, ilang beses na silang nakipag-ugnayan sa may-ari ng peryahan na ayusin ang permit ng nasabing perya.

Pinaghahanap pa rin ang operator ng nasabing ride na si Ariel Tubias at may-ari ng ng peryahan na nakilala lamang sa alyas na Machete, na agad na nagsitakas pagkatapos ang insidente.

Samantala, nasa kritikal pa ring kalagayan ang dalawang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply