UPDATE: Testimonya ni Ramona bahala ang piskalya na magtimbang

AYAW magkomento ng Parañaque City Police sa pag-amin ni Ramona Bautista na hindi totoo ang nauna niyang pahayag na dinukot siya ng mga suspek matapos paslangin ang kapatid na si Ramgen.

Ayon kay Parañaque City Police chief S/Supt. Billy Beltran, sinabi ng opisyal na ipinauubaya na nila sa piskalya ang pagsagawa ng pag-aaral sa mga ebidensiyang may kaugnayan sa kaso.

Maalala na kasamang kinasuhan ng awtoridad si Ramona dahil sa mga kaduda-dudang pahayag hinggil sa totoong nangyari noong gabi ng Oktubre 28.

Maliban dito, lumakas din ang anggulong may kaugnayan ang dalawa sa krimen sa testimonya ni Janelle Manahan.

Si Manahan ay nagtamo ng tama ng bala at saksak sa katawan mula sa suspek.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ramona na nagawa lamang niyang magsinungalin dahil litong-lito ang kanyang isip sa nangyari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply