Urban groups sinugod ang QC hall dahil sa housing tax ordinance

SINUGOD ng may 300 miyembro ng iba’t ibang urban poor groups sa Metro Manila ang Quezon City Hall kaninang umaga para tutulan ang Socialized Housing Tax Ordinance, na ipinasa kamakailan lamang ng Bautista administration para kumolekta ng buwis sa mga residente para ipagpatayo ng mga kabayahan ang mahihirap na taga-lungsod.

Ayon kay Sisel Cari, chairperson ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, Queozn City chapter, ang naturang ordinansa ay hindi mabebenepisyuhan ang urban poor population, na siyang inihayag ni Mayor Herbert Bautista dahil ang pagpili sa mga mabibigyan ng benepisyo ay “highly selective process” lamang.

Kapag aniya hindi miyembro ng Pag-IBIG o Social Security System at tumatanggap lamang ng mas mababa sa P12,500 bawat buwang sahod, hindi sila mapapasama sa housing program.

Tinuligsa rin ng mga protester ang serye ng demolisyong ikinasa ng Bautista administration sa lungsod. Ang mga nag-aaklas na kabahagi ng naapektuhan ng iba’t ibang proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod gaya ng QCCBD, C5 North Extention Project at ang paglilinis ng mga estero.

Dumaan ang mga nag-aaklas sa QC Hall gate 7 sa may Kalayaan Avenue at dumiretso agad sa tapat ng flag pole at pagkatapos na manatili doon ay napalabas din matapos kausapin ng kapulisan at ng mga security forces.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply