US Ambassador Harry Thomas nakiramay sa mga kaanak ng biktima ng Maguindanao Massacre

NAGPA-ABOT na ng kanyang pakikiramay si US Ambassador Harry Thomas sa mga naulilang mahal sa buhay ng mga biktima ng malagim na Maguindanao Massacre.

Sinabi rin ni Thomas na dapat na papanagutin sa batas ang mga may sala sa karumal-dumal na krimen noong Nobyembre 23, 2010 kung saan namatay ang 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag.

Kaugnay pa rin ng masaker, ay binati ni Thomas ang Philippine National Police at Department of Justice na nagsisikap na mabigyan ng hustisya ang mga namatay sa malagim na krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply