US Embassy sarado sa Nob. 11 sa paggunita ng Veterans Day

IPINAHAYAG ngayon ng US Embassy na sarado ang kanilang tanggapan sa Biyernes, Nobyembre 11 upang bigyan saan ang paggunita sa Veterans Day na isang holiday sa Estados Unidos.

Ang Veterans Day ay taunang ginugunita ng Estados unidos para magbigay pugay sa mga beteranong sundalo.

Ang November 11 ay ipinagdiriwang bilang as Armistice Day o Remembrance Day sa ibang bahagi ng mundo.

Ito rin ang anibersaryo sa paglalagda sa pagitan ng German ng Armistice kaugnay sa pagtatapos ng World War I mula sa 11 oras ng ika-11 araw at 11 buwan noong 1918

Ang Pangulo ng Amerika na si Woodrow Wilson ang unang nagdeklara ng Armstice Day noong November 11, 1919 bilang piyesta opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply