US Embassy sinugod ng mga raliyista

BAHAGYANG nagkatensyon sa paligid ng US Embassy sa Maynila matapos na sumugod ang mga raliyista malapit sa embahada Huwebes ng umaga.

Nagpanggap na joggers ang mga nagprotesta sa lugar bitbit ang kanilang pulang steamer.

Ang mga ito ay mula umano sa Grupo ng Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya.

Nabatid na balak umanong lumapit sa main gate ng embahada ang mga nagproprotesta.

Ngunit Agad namang silang napalis ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD)-anti riot at kinumpiska ang kanilang mga streamer at banner na may anti-US slogans.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

Ngayong araw, Nobyembre 24 ay idineklarang sarado ang opisina ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila para sa Thanksgiving Day na isang holiday sa Amerika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply