Usapang pangkapayapaan maseselyuhan na

MALAKI ang tiwala ng Aquino Administration na tuluyan nang maseselyuhan sa katapusan ng 2012 ang final peace agreement sa Communist Party of the Philippine-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Binigyang diin ni Government Panel Head Alex Padilla na matuloy lamang ang pag uusap sa taong ito hindi na umano imposible ang hinahangad na kapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

Sinabi ni Padilla na noong nakalipas na buwan pa sana bumalik sa negotiating table ang magkabilang panig subalit tumanggi ang CPP-NPA-NDF dahil hindi pa pinalalaya ng gobyerno ang mga consultants nitong na nakakulong.

Nais ng nakakulong na consultant ng NDF sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ilagan, Isabela na mapalaya at maging bahagi ng peace panel.

Ang kahilingan ni Randy Malayao, 41, tubong San Pablo, Isabela at nagtapos ng Bachelor of Science in Fisheries sa University of the Philippines sa Visayas ay bunsod ng muling pag-usad ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Si Malayao ay naaresto ng militar noong 2008 sa Cainta, Rizal dahil sa kasong multiple murder kaugnay ng pagkamatay ng ilang sundalo sa naganap na pananambang noon sa San Mariano, Isabela. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply