UST quadrennial run lalarga na

ISANG pabenipisyong takbuhan ang pakakawalan ng University of Santo Tomas, na itinapat sa ika-400 taong pagkakatatag ng paaralan, na magsisimula  sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila at magtatapos sa harapan ng UST Grandstand sa España.

May binyag na Tara Isigaw Mo, Takbo Tayo Fun Run, ang kaganapan ay inaasahang makakatipon ng malaking pondong manggagaling  sa mga magpapatala at iba pang tagatangkilik, upang  pantustos sa quadrecentennial holistic community development project na “Simbahayan 400: Tomasino Para sa Simbahan, Bahay at Bayan”.

Ang 10-kilometrong haba ng hagaran ang siyang pinaka-tampok na distansiya, na may limang kilometrong side event, na inaasahang tatangkiulikin  ng mga mag-aaral, guro,  alumni at bukas rin sa mga apisyonado ng takbuhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply