Utol ng pumatay sa tatay ni Charice arestado

IMBES si Angel Capili Jr, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa tatay ni Pinay singing sensation Charice Pempengco, ang kapatid nito ang nahuli ng binuong task force ng pulisya sa San Pedro, Laguna, kaninang umaga.

Si Armando Capili, nakatatandang kapatid ni Angel, ay dinampot ng task force Force Pempengco sa bisa ng isang standing arrest warrant kaugnay sa hiwalay na kaso rin ng pagpatay na naganap naman sa Mabitac, Laguna.

Ayon kay San Pedro police Senior Chief Jirby John Kraft, natiyemuhan ng kanyang police tracker team ang suspek na si Armando habang hinahanting nila ang kapatid nitong si Angel sa Bondoc Peninsula, sa Quezon province.

Nauna rito, sinabi ni Kraft na nagpakalat na siya ng tracker team sa bahay ni Capili sa Barangay Laram, San Pedro Laguna pero ang nadatnan lamang nila ay ang nanay nitong si Maria Capili.

Isa pa aniyang tracker team ang pumunta sa bahay ni Capili Jr. sa Cavite town pero ang naroon lamang ay ang misis nito na hiniling dito na pasukuin na ang kanyang mister.

Sa mas malalim pang pagsisiyasat, sinabi ni Kraft na nalaman nilang pumunta si Capili Jr sa San Pedro para dalawin ang puntod ng yumaong tatay nang makabangga nito si Ricky.

Ayon pa sa ulat, sinundan at saka tinarakan ni Caipili ng icepick sa katawan ang matandang Pempengco na tumayo sa inuman para bumili ng sigarilyo sa tindahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply