Utol ng solon hindi welcome sa opisina dahil sa tampuhan

KAKAIBA ang tanggapan ng isang mambabatas na ito sa mataas na kapulungan ng Kongreso dahil sa kabila ng kung sino-sino ang puwedeng pumasok na bisita at humingi ng tulong sa kanilang opisina ay hindi naman welcome ang mismong kaanak nito.

Take note hindi lang basta kamag-anak kundi ang kanya mismong kapatid na buo sa kanyang ama’t ina.

Napag-alaman ni matang kuwago ng Remate na may tampuhan umano ang magkapatid na ito.

At hindi lang basta-basta tampuhan kundi malalim ang kanilang awayan na patunay na halos simula ng tumakbo hanggang sa matapos ang halalan noong nakalipas na eleksyon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi nagkikibuan ang magkapatid.

Oohhps paaala, sir, baka matulad kayo sa Pamilya Revilla na dahil sa away, nauwi sa madugong kamatayan. Huwag naman sana.

Tulad ng ibang tanggapan ng mga mambabatas at pulitiko, halos ilang beses nang nabibista ng mga kamag-anak lalo na ng mga kapatid ang tanggapan ng kanilang mahal sa buhay subalit kakaiba ang relasyon ng dalawa dahil kahit isang beses ay hindi man lang sumilip ang kapatid ng mambabatas sa tanggapan ng kanyang kapatid.

Ito pa ang malupit. Ilang beses na ring nagpabalik-balik sa gusali ng Senado ang kapatid ng mambabatas subalit ibang tanggapan ng senador ang kanyang pinapasok… may ganoon.

Nakakalungkot naman ang kanilang relasyon at wala sanang kinalaman ang kanilang hindi pagkakasundo ang sinapit ng isa sa miyembro ng kanilang pamilya nitong nakalipas na buwan lamang.

Sana’y unawain ng mambabatas at kapatid nito  na matanda na rin ang kanilang mga magulang kung kaya’t dapat na silang magpatawaran anoman ang kanilang hindi pagkakaunawaan at kung tungkol naman sa mana at ari-arian ay malaki naman ang kanilang paghahatian.

He he he basta partehan ninyo na lang kami, joke lang.

Ang mambabatas na ating tinutukoy ay mapapanood ninyo sa TV sa cartoon network este sa mga pagdinig sa Senado dahil palagian siyang bida pagdating sa mga imbestigasyon sa Senado.

Kung hindi ninyo pa siya kilala ay ganito na lamang ang ama niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa puwesto ang dating Pangulong Joseph Estrada.

At may letrang U ang kabuuan ng kanyang pangalan as in huwag ninyong i-underscore ang kanyang kakayahan.

He he he.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply