Update: Sekyu nang-hostage ng sariling anak

ISANG security guard ang nang-hostage ng kanyang sariling anak dahil sa problema sa pamilya umaga ng Huwebes Nobyembre 3, sa Borbon, Cebu.

Ayon sa report ng dzBB, bineperipika pa ng pulisya ang anggulong problema sa pamilya kung kaya nagawa ng ama nito na i-hostage ang kanyang anak na pinakawalan din naman ng hapon.

Wala namang napaulat na nasugatan sa nasabing pangho-hostage.

Batay naman sa hiwalay na report ng Radyo Mo Nationawide (RMN), naresolba ang naturang tension nang dumating ang asawa ng suspek at siyang nangumbinsing pakawalan na ang kanilang anak.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang batang na-hostage.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply