Uupo sa ‘Court of Inquiry’ para sa Al-Barka Op itatalaga ngayon

MAGLALABAS ng desisyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na linggo kung isasailalim sa court martial ang mga opisyal na sangkot sa October 18 military operation sa Al-Barka, Basilan na ikinamatay ng 19 na sundalo at ikinasugat ng 15 iba pa.

Inaasahang magtatalaga ngayong araw si AFP Chief of Staff Eduardo Oban Jr. ng mga opisyal na siyang uupo sa tinatawag na “Court of Inquiry.”

Una nang ipinag-utos ni Oban ang pagbuo ng “Court of Inquiry” noong nakaraang linggo matapos matanggap ang final report ng fact-finding team na pinamumunuan ni AFP inspector general Irineo Espino tungkol sa nangyaring bakbakan sa hanay ng militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nananatili namang confidential ang resulta ng imbestigasyon bagama’t may naglabasang report na hindi umano pinag-isipang mabuti ang Al-Barka operation. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply