VACC dismayado sa SC final ruling vs Lacson

DISMAYADO ang Volunteers Againsts Crime and Corruption (VACC) sa Supreme Court final ruling na nag-aabsuwelto kay Senator Panfilo Lacson sa kasong Dacer-Corbito double murder case.

Bukod dito, dismayado rin si VACC chairman at president Dante Jimenez sa pagdeklarang “incredible and unworthy witness” si dating Police Supt. Cesar Mancao II.

Ito ay matapos ibasura ang una nang petisyon ng pamilya Dacer sa Korte Suprema at nang Court of Appeals (CA) ang desisyon na idismis ang criminal charges na isinampa laban kay Lacson at maibaba ang kanyang warrant of arrest.

Bukod sa dismissal ng motion for reconsideration (MR) na inihain ng pamilya Dacer, ipinunto ni Jimenez na ang deklarasyn ng SC ay nagbase lamang sa CA ruling na ang statement ni Mancao ay hindi kapani-paniwala.

“How could the High Court totally disregard the testimony of former police officer Mancao about what he has heard in the conversation between then PAOCC Chief now Senator Panfilo Lacson and his former deputy Michael Rey Aquino? It should be remembered that Mancao was a former protégé of Lacson who was privy to the activities of now defunct PAOCC-TF?” ayon kay Jimenez.

Ayon pa kay Jimenez, dapat bigyan konsiderasyon ng SC ang katapangan na ipinakita ni Mancao upang tumestigo laban kay Lacson kung saan nakasalalay ang kanyang buhay.

Matatandaan na ibinasura ng SC First Division ang motion for reconsideration na inihain ng pamilya Dacer na kumukuwestyon sa desisyon ng Court of Appelas (CA) na nag-uutos sa dismissal ng murder cases laban kay Lacson kaugnay sa pagpatay kay publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply