Valte: Desisyon ng korte kung saan magpa-Pasko si GMA

NAKASALALAY sa kamay ng trial court kung magpapasko si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng kulungan o mapagbibigyan ito na sumailalim sa house arrest.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang trial court ang magdedetermina ng usaping ito at wala aniya iyon sa kamay ng Malakanyang.

“It is up to the trial court judge to really decide. Wala na po tayong say or wala na po tayong papel sa usaping ‘yan,” ayon kay Valte. “From what we understand, the motion for hospital arrest has been withdrawn. They will be filing a motion for house arrest. The prosecution panel has taken a position and we, as the President said, will not comment or make our preferences known in the first place because it is in the discretion of the judge. And even the President himself has said that we would not like to influence the prosecution in any way and be accused of various things like railroading and exerting undue pressure.”

Tiniyak naman ng opisyal na kung anuman ang magiging desisyon ng korte ay susundin ng Malakanyang.

“Susundin na lang po natin kung ano po ang sasabihin ng korte tutal ang nagpo-prosecute naman niyan ay ‘yung Comelec panel at mayroon naman silang defense lawyers. We understand the position of Secretary De Lima but the position of the President is we do not want to influence (the court) in any way,” aniya pa rin. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply