Van na naglalaman ng piyesa ng M16, M14 rifles naharang ng BOC

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC)–Cebu ang isang 40-footer container van na naglalaman ng mga piyesa ng M16 at M14 rifles mula sa Estados Unidos.

Nabatid na isang Renato Ramos, na sinasabing taga-Barangay Banilad, Cebu City ang consignee ng naturang kargamento na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code

Ayon sa report, idineklara umanong mga gamit sa bahay ang laman ng container van ngunit nang inspeksyunin ng mga tauhan ng Customs ay nadiskubre na ang laman ng van ay anim na motorsiklo na mula US at libu-libong basyo ng bala at piyesa ng mga nabanggit na uri ng baril.

Ang mga ito ay unang idineklara na mga picture frame, figurines, damit, soccer ball, bag, libro, cabinet at iba pa.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang BOC district collector na si Ronnie Silvestre kaugnany sa kontrabando kaya agad niyang inatasan ang mga tauhan na inspeksyunin ang laman ng container van.

Nang makumpirmang positibo ang natanggap ng impormsyon ay agad na humingi ng tulong ang Customs sa Cebu Port Authority upang pigilan ang pagpapalabas ng container van na nagmula sa Oklahoma, sakay ng NYK International Shipping Lines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply