Van swak sa ilog: ex police chief nawawala

PATULOY pa ring pinaghahanap ang isang retired police/ Supt. makaraang mahulog sa ilog na may lalim na anim na talampakan ang kinalululalan nitong pampasaherong van sa Brgy. Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Nabatid na patuloy na hinahanap ng rescue team ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at LGU Baggao ang lulan ng van na kinilalang si retired P/Supt. Dominador Serquinia.

Ayon kay Victor Javier, nakakita sa insidente, binabagtas ng van ang pakurbadang kalsada sa Sitio Basaw, Brgy. Bitag Grande nang biglang mahulog ang sasakyan sa ilog na may taas na humigit kumulang sa 20 metro mula sa kalsada.

Nabatid pa na kasalukuyang nasa ilalim ng konstruksiyon ang kalsada kung saan nangyari ang insidente.

Agad namang nahila at naiahon ang nahulog na van subalit walang nakita sa mga sakay dito kung saan kumpirmadong ang retiradong dating chief of police ng Baggao ang sakay nito dahil dadaanan sana nito ang kaniyang drayber sa nasabing barangay na siya sanang mamasada.

Pupunta naman sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa bayan ng Sta. Ana ang dating opisyal para dumalo sa isang seminar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply