Vehicle tagging scheme simula sa Disyembre 12

SISIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng tagging scheme sa mga public utility vehicle sa Disyembre 12.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, mag-uumpisang manghuli ng mga lumalabag sa nasabing kautusan na dapat magkaroon ng color-coded license number sa bubong, likod at tagiliran ng mga pampasaherong sasakyan.

Ang drayber na nalalabag dito ay pagmumultahin ng halagang P500 sa unang pagkakataon.

Sa pangalawang pagkakataon ay magmumulta pa rin ng P500 o maaaring irekomenda ng MMDA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ikansela o isuspinde ang prangkisa nito.

Kanina ay pinangunahan ni Tolentino ang pang-inspeksyon sa pagta-tag sa isang terminal ng mga AUVs at FX taxis sa Quezon City.

Karamihan sa mg drayber at opereytor ay payag umano sa inisyatiba ng MMDA na iimplementa ang electronic tagging.

“Gusto rin namin yung RFID (radio frequency identification) para kahit mabura ang tag ay may paraan pa rin para malaman kung kolorom o out of line ang sasakyan,” ayon sa isang drayber.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply