Vendor, retired employee naghati sa 6/55 jackpot

KINOLEKTA na ng 47-anyos na market vendor mula sa Taytay, Rizal kahapon ang ang kanyang hati sa P67 milyong jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto, ayon sa  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Jose Ferdinand Rojas, PCSO general manager, na maliban sa kalahati ng kanyang napanalunan, nanalo rin ito ng karagdagang  P500,000 para naman sa kanyang system 8 bet sa 01-55-11-03-27-49 winning combination.

Ayon kay Rojas, nanonood mismo ang hindi ibinunyag na pangalan ng tindera ng live draw ng lotto sa telebisyon kasama ang kanyang mister nang malamang nanalo ng jackpot.

“The couple had sleepless nights, they double checked the result in the newspapers before claiming the prize,” pahayag pa ni Rojas.

Ang naturang tindera, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon ay planong bumili ng espasyo sa palengke para magbenta ng kanyang paninda at ang matitira ay itatabi sa bangko.

Ang kalahti naman ng premyo ay nasungkit ng 60-year-old power supply employee mula sa Makati na kinuha na rin kahapon ang napanalunan.

Nais ng retiradong empleyado na ipamahagi ang kanyang tinama sa kanyang mga anak at tulungan ang may sakit na  91-anyos na tatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply