Venue ng Bar exam sa Linggo handa na

HANDA na ayon sa tagapamahala ng University of Sto. Tomas (UST) sa Maynila ang bisinidad ng pamantasan na pagdarausan ng 2011 Bar Examinations.

Ayon kay Supreme Court Bar Confidant and deputy clerk of court Atty. Ma. Cristina  Layusa, plantsado na ang venue preparation para sa Nobyembre 6, 2011, unang araw ng eksaminasyon.

Nabatid na aabot sa 6,200 law graduates mula sa iba’t ibang paaralan ang kukuha ng bar examinations ngayong taon, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay may multiple-choice questions ang magiging format ng pagsusulit.

Mananatili namang bukas sa trapiko ang mga lansangang malapit sa UST, upang huwag makaabala sa mga motorista.

Gayunman, mananatili ang presensya ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para matiyak ang seguridad ng mga kukuha ng Bar exam at upang huwag nang maulit ang nangyari noong Setyembre 26, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply