Venus Raj gigil kay Jericho Rosales

BUKOD sa hosting job  ni Venus Raj sa ‘Umagang Kay Ganda,’ susubukan na rin niya ang pag-arte. Tatlong taon ang pinirmahan ni Venus  sa Regal Films at gagawa siya ng limang pelikula sa ilalim ng production ni Mother Lily Monteverde. Dream niya ay makatambal si Jericho Rosales. Kung siya ang masusunod ay romantic-comedy ang gusto niyang gawin.

“’Yung hindi mabigat sa damdamin at may lesson na matututunan,” aniya.

Loveless daw ngayon si Venus pero nakadalawang boyfriend na raw siya sa Bicol.

Pero Pinoy pa rin ang gusto niyang mapangasawa kahit mabenta sa foreigner ang pagiging Pinay beauty niya.

“Pinoy pa rin dahil maganda ang pagpapalaki ng mga magulang sa Pinoy at maganda talaga
ang values,” deklara niya.

Hindi naman daw siya mapili kung zero man ang lovelife niya ngayon. “Ang pag-ibig ay hindi naman pinipili. Darating na lang ‘yan,” paniniwala niya.

Samantala, very queenly pa rin niyang sinagot ang mga puna na mas charming pa rin siya kesa kay Chamsey Supsup. “Kanya-kanyang character lang naman ‘yan,” sambit niya dahil nasa iisang kuwadra lang sila sa pamamahala ni Jonas Gafud ng Mercator Talent Agency.

-0o0-

Pumirma rin ng kontrata  sa Regal ang stage actor at kahalikan ni Mart Escudero sa ‘Zombadings’  na si Kerbie Zamora’. Sabay silang pumirma ni Venus Raj  nu’ng Monday night sa Imperial Palace

Ipinagtanggol naman ni Kerbie Zamora ang kanyang sarili sa kinasangkutan niyang basag-ulo na naganap sa isang basketball court sa Commonwealth. Napaaway sila sa isang basketball game na kung saan dinepensa lang daw nila ang sarili nila.

“Hindi naman kami taga-roon para mambugbog at magsimula ng away. Naglaro kami ng mga kasama kong models dun para magsama-sama, bonding lang and then nakalaban namin ‘yung grupo nina Mon Castro (Ramon Carlos Castro, 37, former mainstay of ABS-CBN’s Ang TV), nagkainitan ganoon. Sila ‘yung una siyempre…bilang taga-labas kami dumipensa lang kami. Pumapasok na ang mga tao dun at gusto kaming lapitan, siyempre, ano ang gagawin mo kundi ipagtanggol ang sarili mo?,” paliwanag niya Paano ang ginawa nila?

“Kasi..sila ang unang naniko. Hindi ako ‘yung unang kalaban niya, ‘yung isang kasama kong model. Sinuntok niya ‘yung kasama ko..siyempre, magbabarkada kami, dinepensahan kami nu’ng mga barkada namin. Hayun, sumugod ‘yung mga kasama niya, pinalibutan na kami, lumaban na din kami pero hindi namin siya pinagtulungan,” sey pa niya.

Bakit lumalabas na siya ‘yung pinagtulungan at siya ‘yung kawawa?

“Dun nga ako nagulat, pinagtulungan daw namin siya at sobrang malayo ang kuwento sa nangyari knowing na hindi naman talaga kami ang nag-umpisa. Nakalulungkot din na bakit ako ‘yung idinidiin? Hindi naman ako ‘yung gumulpi sa kanya,” deklara pa niya.

Anyway, willing naman daw silang maayos na lang ang lahat at para hindi lumala. Balita nila ay idinemanda raw sila ng frustrated murder although wala pa silang natatanggap
na subpoena.

“Pero parang mahirap dahil mainit ‘yung kampo nila. Kahit gusto  naming lumapit para maayos na, wala rin kaming magagawa. Gusto nga naming ‘wag na tumagal ‘yan Hindi rin namin ginusto ‘yung nangyari at hindi kami ang nag-umpisa,” sey pa niya.

Ano ang leksyon ang natutunan niya sa gulong ito?

“I-control ‘yung temper mo at bago gumawa ng aksyon, pag-isipan mo muna dahil malaki ang magiging kabawasan sa ‘yo pagkatapos itong mangyari,” aniya pa.

Tsuk!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply