Vertical Run ‘di pinatawad ng Kenyan

HINDI pinatawad ng mga mananakop na anak ng Kenyan pati ang pambihirang akyatan ng dalawang tore ng gusaling may 90 palapag at 2,065  baytang, sa The Enterrprise Center (TEC), kanto ng Dela Rosa Street, Paseo de Roxas at Ayala Avenue, Lungsod ng Makati.

Bagama’t tanging ang pambato ng Cool City Running Group na si Joel Bengtay ang natirang lumalaban, dinaig pa rin niya ang isa pang banyaga, subalit nagkasya na lang ito sa pangalawa sa 33 segundong lamang ng nag-kampeong si Philip Ronoh sa ginanap na 2nd Trek the TEC Vertical Run.

Inorganisa ng TEC – E-ventologist Co., ang vertical run ay dinomina ni Ronoh sa tiyempong 12 minuto at 46 na segundo, kontra sa 13:19 ng ultra-marathoner na si Bengtay ng Lungsod ng Baguio, na pumangatlo noong isang taon.

P5,000 cash at Diadora Gift Certificate ang naibulsa ng nagkampeon, samantalang halagang P3,500 at Diadora GC ang inuwi ng naka-pilak na si Bengtay.

Masaya na rin sa P2,000 cash at Diadora GC ang pumangatlong dayuhang si Eluid Kering (0:13:40).

Mas matindi ang pananalasa ng mga banyaga sa kababaihan,  nang isang 1-2-3 na pagdomina ang itinarak ng taga Kenya, na sina Irine Kipchumba (15:20), Susan Jemutai 16:25) at Rodhah Sambu (16:55) sa mga lokal na katunggali, na pinarangalan din ng parehas na gantimpala ng mga punong abala, tulad ng Top 3 sa kalalakihan.

Sa idinaos na paripa ng punong abalang The Enterprise Center at E-Ventologists, Inc., bago ginawa ang parangal sa unang tatlong sumakop sa naturang dalawang tore, sagad sa tainga ang ngiti ng mga nanalo sa naggagandahang papremyo sa kanilang natanggap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply